AFP at PNP, itinuturo ng UN na nasa likod ng pagkamatay ng 14 kabataan

     2 months ago
29
4 Comments
17 SHARE

 

Kinumpirma ng United Nations na 14 kabataan ang napatay habang nasugatan naman ang 24 iba pa dahil sa armed conflict sa Pilipinas.

Maliban dito, bineripika rin ng UN na limang grupo ang nasa likod ng mga kasong ito at kabilang dito ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police.

Base sa report ng Secretary-General na inilabas noong October 5 tungkol sa mga kabataang naiipit sa bakbakan, hindi bababa sa 11 kaso mula sa 38 ang itinuturong kagagawan ng AFP, habang hindi naman bababa sa dalawa ang dahil sa jpint operation nila ng PNP.

Nakasaad din sa nasabing report na responsable ang New People’s Army (NPA) sa nasa anim na kaso, apat naman sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isa sa paramilitary group na Alamara.

READ  Aegis Juris members Arvin Balag, OJ Onofre, Axel Hipe at Mark Ventura, nadatnan ni John Paul Solano frat library

Ang mga impormasyon sa nasabing report ay nakalap mula January hanggang December 2016.

Samantala, sinabi naman ng Secretary General na patuloy na naaapektuhan ang mga kabataan sa mga maliliit na bakbakan, pati na sa mga malawakang operasyon ng mga pwersa ng gobyerno partikular na sa Mindanao.

Lumabas din sa report ang tungkol sa paggamit ng mga BIFF, Abu Sayyaf at Maute Group ng mga bata para sa kanilang pakikipag-bakbakan, habang nakumpirma nilang isang beses din gumamit ng isang batang lalaki ang AFP para sa isang support role.

Gayunman, nabanggit din dito na nabawasan ang mga grave violations sa mga bakbakan sa pagitan ng mga tauhan ng gobyerno at mga komunistang rebelde kasunod ng peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong second half ng 2016.

READ  Heart Evangelista Admits She Doesn't Want to Meet Chiz's Ex-Wife

Source link

17 SHARE

Post Comments