AFP, humingi nang unawa na ‘di pa maipresenta ang na-rescue na si Father Suganob

     3 months ago
18
Leave a Comment
0 SHARE

(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Humingi muna ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng unawa sa publiko kung bakit hindi pa nila ipinakita ang vicar general ng Saint Mary’s Cathedral na si Father Teresito “Chito” Suganob matapos na ito ay ma-rescue.

Ito ay kahit nailigtas ng ng militar at hawak ng gobyerno si Suganob kasama ang isa pang guro na na-hostage ng mahigit tatlong buwan ng mga teroristang Maute-ISIS sa Marawi City.

Sinabi sa Bombo Radyo ni AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla na totoong nailigtas na si Suganob nang mapasok ng kanilang tropa ang lokasyon ng Moske Bato ng Marawi City noong Sabado ng gabi.

READ  Martial law extension sa Luzon at Visayas, hindi kailangan - DND Sec. Lorenzana

Inihayag ni Padilla na hindi lamang nila alam kung kailan maaaring maipresenta sa harap ng publiko si Suganob lalo pa’t nasa final offensive pa ang kanilang tropa sa natitirang mga terorista sa Marawi  City.

Una rito, tahasang itinanggi muna na kumpirmahin ni Joint Task Force Ranao deputy commander at Army Col. Romeo Brawner na nailigtas na si Suganob liban sa pagsasabing tuloy-tuloy pa ang kanilang operasyon laban sa mga terorista.

Nitong umaga ay patuloy pa rin ang maigting na labanan lalo na at may ilan pang mga hostages ang pilit na nire-rescue ng mga otoridad.

Source link

Post Comments