AFP, naaalarma na sa pagkalat ng mga sakit sa Marawi City

     2 months ago
30
Leave a Comment
2 SHARE

Ikinaalarma na ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagdami ng bilang ng mga nagkakasakit sa loob ng Marawi City dulot ng mga namatay na residente at sundalo dahil sa patuloy na labanan.

Sa panayam ni Bombo Patrick Tablon mula sa Marawi City kay Joint Task Force Lanao deputy commander Col. Romeo Brawner, sinabi nito na katulong nila ngayon ang Department of Health (DOH) sa sanitation upang mapigilan ang paglala pa ng mga sakit at impeksyon na dulot din umano ng mga nakakalat pa na mga bangkay.

Tinukoy ng opisyal na kabilang sa problemang kinakaharap ng Marawi ngayon ay ang mga tinamaan ng infections, meron ding sakit na dengue, leptospirosis, typhoid fever at iba pa.

“Magki-clear po, magsa-sanitize ang Department of Health dahil napakaraming sakit ngayon dito sa loob dahil ‘yun nga, yung mga namatay na Maute at sundalo. Well yung mga sundalo na-recover na natin, but may mga bangkay pa na nakakalat dito, and this contributing to the non-battle casualties ng mga sundalo. May mga nagkakasakit, mga infections. Meron ring sakit na dengue, leptospirosis at typhoid fever dito sa loob (Marawi City),” ani Col. Brawner.

READ  Palasyo, tiniyak na makakadalaw si Pang. Duterte sa mga bakwit sa Marawi City

Samantala, inihayag din ng opisyal na patuloy silang nakakatanggap ng tulong mula sa ibang bansa gaya ng Amerika at Australia, base na rin umano sa kanilang intelligence gathering.

“May mga nakukuha pa rin tayong tulong galing sa ibang bansa partikular sa U.S. at Australia in terms of our intelligence gathering.”

Samantala, target umano ng AFP na matapos na sa huling bahagi ng buwan ng Oktubre ngayong taon ang nagpapatuloy na krisis sa Marawi City.

Ito ang sinabi ni Maj. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP sa panayam ng Bombo Radyo Naga.

Aniya, ginagawa nila ang lahat upang hindi na umabot pa sa buwan ng Disyembre ang kaguluhan sa nasabing lungsod.

READ  'Pangakong hustisya sa Maguindanao massacre sa Duterte admin, nagpapalakas loob sa pamilya'

Tumanggi naman si Padilla na magbigay ng eksaktong petsa kung kailan matatapos ang krisis ngunit nais aniya nila na matuldukan na ito ngayong buwan.

Iaanunsyo na lamang aniya ng militar kung tapos na at tiyak ng ligtas ang buong Marawi sa kamay ng mga terorista.

Una rito, sinabi ni Padilla na kahit kaunti na lamang ang naririnig na putukan sa loob ng main battle area, nagpapatuloy pa rin ang pinaigting na clearing operations ng mga militar upang matiyak na walang nakakalat na mga improvised explosives device at mga patibong na iniwan ang mga terorista sa Marawi.

Source link

Post Comments