AFP pinag-iingat ang Simbahang Katoliko sa ‘police witness’ vs drug-related killings

     2 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

Mariing binalaan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Simbahang Katoliko partikular ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na mag-iingat sa binabalak nilang pagbibigay ng proteksyon sa umano’y mga pulis na handang tumestigo kaugnay sa extra-judicial killings sa bansa.

Sinabi ni AFP Spokesman Major Gen. Restituto Padilla, nababahala sila sa nasabing impormasyon dahil baka magagamit lamang ang Simbahan ng mga may sariling agenda.

Ayon kay Padilla, hindi malayong ang mga lalapit sa Simbahan para kunwari humingi ng tulong ay may planong makatakas sa naunang pagkakasala pero babalik din sa dating gawaing kriminal.

Nilinaw naman ni Padilla na kinikilala nila ang pagsisikap ng Simbahan para sa komunidad pero dapat lamang maging maingat sila para ang mga tunay na gustong magbagong buhay ang matulungan at hindi mapagsamantalahan ng may masamang intensyon.

READ  CIVIL SERVANTS’ RIGHT TO ORGANIZE | Senate OKs ratification of 39-year old ILO convention | News5

“Well, as far as government is concerned regarding this pronouncement or the statement that was read a while ago. We take it that we would like to forewarn the church to just be discerning, which means to say that it could be possible that not all those who seek the help of the church, saying they are seeking help because they want to mend their ways may not be who they say they are. O baka ginagamit lang ang church para makatakas sila nang husto at makabalik sa mga dati nilang ginagawa. So essentially, I think the statement is what it means. So we just want to inform the church that we do welcome the efforts of the church as part of the community to assist, but be discerning in the process, so that we may be able to get the real individuals who really are sincerely on the way to mending their ways and not those who are merely using that as escape route,” ani Padilla.

READ  'Sentimyento ng mga Pinoy malaking tulong kaya ibinalik ang CHR budget'

Source link

Post Comments