AFP walang info sa ‘Yellows, Reds conspiracy’ ni Duterte – Padilla

     3 weeks ago
8
Leave a Comment
3 SHARE

Inamin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Major Gen. Restituto Padilla na wala silang impormasyon kaugnay sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabwatan ang aniya’y “Dilawan” o mga nasa Liberal Party (LP) at ang mga “Reds” o mga makakaliwang grupo laban sa kanyang administrasyon.

Sinabi ni Gen. Padilla, posibleng may ganitong pagkilos gaya ng sinabi ni Pangulong Duterte pero wala siyang direktang impormasyon dito.

Ayon kay Padilla, may “access” ang pangulo para sa mas maraming impormasyon maliban sa mga nanggagaling sa AFP.

Nakatutok naman umano ang AFP sa pagbabantay sa galaw ng mga armadong grupo gaya ng New People’s Army (NPA) at iba pang armed groups sa Mindanao habang may ibang grupo o ahensyang naka-monitor sa pulitika.

READ  21-anyos na Fil-Am kabilang sa sugatan sa Las Vegas massacre

“The President has access to more information than we do. Because most of our agencies submit to the President information. And we submit to him as well what only comes from our part. So we do continue to monitor the security landscape, and that includes other areas not only in Mindanao but the entirety of the archipelago. So, so far, kung ang ibig sabihin ng ating mahal na Pangulo ay ‘yung pagpa-plano, meron po kaming nakikita na iba. At hindi lang naman po ‘yung oposisyon ang ano dito. Kaya ang binabantayan po talaga ng Armed Forces ay ‘yung mga armadong grupo. ‘Yung sa side ng politics, may iba pong nagmo-monitor. At sa amin pong side, hindi po namin nakukuha ito kadalasan,” ani Padilla.

READ  Live Streaming: The Inaugural of Rodrigo Roa Duterte

Source link

Post Comments