Aguirre handa na sa mga kasong isinampa ni De Lima

     2 months ago
39
Leave a Comment
6 SHARE

Handa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na harapin ang mga kasong isinampa sa kanya ni Senador Leila de Lima.

Ipinahayag ni Aguirre na kaya niyang labanan ang mga akusasyon ng senadora nang may matibay na ebidensya, hindi aniya gaya ni De Lima na puro pagtanggi lamang ang depensa sa mga akusasyon sa kanya.

Sinabi ni Aguirre na sinusubukan lang ni De Lima na maging ‘relevant’ ngayong nakakulong siya sa Camp Crame.

Magugunitang isinangkot si De Lima sa illegal drug dahil sa pagkakasangkot umano sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prisons.

Inihain ni De Lima sa Ombudsman ang kasong kriminal at administratibo laban kay Aguirre, partikular ang ilang paglabag sa Revised Penal Code, at sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Source link

6 SHARE

Post Comments