Alden Richards, pinagkaguluhan ng mga babaeng mambabatas sa “Garage Sale for a Cause” sa kamara

     4 weeks ago
55
Leave a Comment
0 SHARE

Naglunsad ng “Garage Sale for a Cause” ang mga babaeng mambabatas sa kamara at ang kikitain dito ay itutulong sa pamilya ng mga nasawing tropa ng pamahalaan sa pakikipagbabakan sa Marawi City.

Sa unang araw ng garage sale, dumating sa kamara si Eat Bulaga host Alden Richards bilang isa sa mga guest celebrities.

Pinagkaguluhan si Alden ng mga babaeng mambabatas at mga staff ng kamara, gayundin ng iba pang nagtungo sa garage sale.

Nanawagan pa ang emcee ng event sa mga dumalo na maging mahinahon at panatilihin ang kaayusan.

Maliban kay Alden, dumating din ang singer na si Pops Fernandez at aktres na si Shaina Magdayao.

READ  Iloilo City Mayor at opisyal ng lalawigan pinakakasuhan ng Ombudsman

Ang nasabing “Garage Sale for a Cause” ay proyekto ng Association of Women Legislators Foundation Inc.

Kabilang sa mabibili sa garage sale ay ang mga pre-loved na gamit ng mga mambabatas gaya ng mga gown, dress, mga alahas at iba pang kagamitan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments