Antique nilindol; Intensity 5 na pagyanig naramdaman sa bayan ng Culasi

     2 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

 

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Antique dakong alas 8:42 ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang episentro ng lindol may pitong kilometro ang layo sa timog-silangan ng Culasi, Antique.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na pitong kilometro.

Naitala naman ang Intensity V na lakas ng paggalaw ng lupa sa Culasi, Antique samantalang Intensity III naman sa Libacao, Aklan.

Sa instrumental instensity, naitala ang Intensity V sa Culasi, Antique samantalang Intensity II na sa Ibajay, Aklan at PAndan, Antique.

Wala namang inaasahang pinsalang idinulot ang nasabing lindol sa mga naapektuhang lugar.

READ  War on drugs, tuloy sa kabila ng banta ng economic sanctions

Source link

0 SHARE

Post Comments