Apo ni Queen Elizabeth nakunan

     10 months ago
163
Leave a Comment
14 SHARE

Nakunan ang apo ni Queen Elizabeth at equestrian na si Zara Philips.

Ito na sana ang pangalawang anak nina Philips at asawang si Mike Tindall, dating english rugby player.

Anak ni Royal Princess Anne si Zara.

Nais naman ng Buckingham Palace na bigyan ng privacy ang mag-asawa dahil sa pinagdadaan nito.

Samantala, ito na sana ang ika-anim na apo sa tuhod ni Queen Elizabeth.

Samantala, hindi naman nakadalo sa misa ang reyna ng Inglatera kahapon.

Paliwanag ng Buckingham Palace na nagpapagaling pa sa matinding ‘sipon’ ang 90-anyos na reyna.

Tanging sina Prince Philip, anak na si Prince Charles, at apo na si Prince Harry ang dumalo sa Christmas service.

READ  Debbie Reynolds, mother of Carrie Fisher, dies

Ngayon lamang lumiban sa misa tuwing pasko si Queen Elizabeth simula noong taong 1988.

Source

Post Comments