Articles of impeachment laban kay Chairman Andres Bautista, ilalatag na ng Kamara

     1 week ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Magsisimula ng maghanda ang house committee on Justice para sa impeachment trial laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, pinuno ng komite sa susunod na linggo ay magpapatawag siya ng pulong sa komite upang ilatag ang pagbuo ng articles of impeachment na iaakyat sa Senado.

Pag-uusapan din anya sa pulong ang pagbuo ng team of prosecutors na hahahrap sa impeachment court.

Sinabi ng mambabatas na maaring hindi lahat ng reklamo nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Rep. Jacinto Paras ay isasama sa articles of impeachment bagkus ay yun lamang aniyang mayroong mga matitibay na ebidensya.

READ  WATCH | ‘Deranged’ to wish for 32 deaths a day – De Lima | News5

Aminado naman si Umali na posibleng matulad sa impeachment kay dating Chief Justice Renato Corona na sa kasagsagan ng paglilitis ay saka sila naghahanap ng mga ebidensya.

Ito ay dahil hindi sila umabot sa determination of probable cause.

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments