ASEAN Migrant Workers Protection agreement, ‘historic document’ – Duterte

     1 week ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Ipinagmalaki ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang mahahalang achievement ng katatapos na 31st ASEAN Summit and Related Meetings kung saan ito nagsilbing chairman.

Sa closing ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City nitong Martes ng gabi, sinabi ni Duterte na pangunahin sa achievement ay ang ASEAN Consensus on the Promotion and Protection of the Rights of Migrant Workers na kanilang nilagdaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, makasaysayan ang governmental document para mapalakas ang social protection, pagkamit ng hustisya at access ng health services ng mga migrant workers sa ASEAN region.

“We have finally completed and signed moments ago the ASEAN Consensus on the [Promotion and Protection] of the Rights of Migrant Workers. This historic governmental document is our promise to our people to strengthen social protection, access to justice, humane and fair treatment, and access to health services, among others,” ani Pangulong Duterte.

READ  Sereno, Morales hinamon ni Duterte na sabayan siyang magbitiw sa puwesto

Sinasabing 10 taon nang isinusulong ng Pilipinas ang nasabing kasunduan at ngayon lamang napagtibay.

Samantala, isa pa raw sa kanilang kasunduang isinapinal ay ang Code of Conduct of Parties in the South China Sea.

Nagpapatuloy daw ngayon ang trabaho ng mga ministers para sa pagkakabuo ng ganap bago lagdaan ang nasabing binding agreement.

Ikinagalak naman ni Pangulong Duterte ang pagiging bukas dito ng China sa kanilang paghaharap sa ginanap na ASEAN-China Summit.

Kaya mas mabuting hintayin na lamang daw na makompleto ang dokumento kaysa makipagkomprontasyon sa China.

Source link

Post Comments