ASEAN statement ukol sa South China Sea dispute, hindi malabnaw ayon sa Palasyo

     7 months ago
21
Leave a Comment
0 SHARE

Pinabulaanan ni Ambassador Marciano Paynor na malabnaw o malamya ang ilalabas na ASEAN statement ukol sa South China Sea dispute.

Ayon kay Paynor, ASEAN 2017 Director-General For Operations, asahan na magiging patas at interes ng lahat ang itutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit taliwas sa sinasabing ‘pro-China’ ang kanyang posisyon.

Ayon pa kay Paynor, hindi kasi ‘confrontational’ o palaban ang estilo ni Pangulong Duterte kundi paghahanap ng pinakamainam na solusyon sa problema.

Sa Sabado, Abril 29 ay ilalabas ang Chairman’s Statement pagkatapos ng ASEAN Leaders’ Summit.

Matatandaang una nang umani ng negatibong komento ang lumabas na draft ng Chairman’s Statement na walang pagbanggit sa arbitral ruling laban sa China.

READ  Pagasa: Tropical storm ‘Jolina’ gears toward China

Source link

0 SHARE

Post Comments