Asec. Mocha Uson umiwas sa media, tumangging magkomento sa pagsasayaw sa casino

     3 months ago
9
Leave a Comment
0 SHARE

Umiwas sa mga miyembro ng media si Communications Assistant Secretary Mocha Uson sa kaniyang pagdalo sa plenary debate para sa budget ng Presidential Communications Office sa susunod na taon.

Hindi sinagot ni Uson ang tanong ng media kaugnay sa kanyang ginawang pagsasayaw sa Bar 360 sa loob ng Resorts World Manila.

Bagkus itinuro ni Uson si PCO Secretary Martin Andanar dahil sa kalihim umano niya ibinigay ang kanyang statement.

Samantala, ayon naman kay Andanar, ipinauubaya na niya sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kaso ni Uson.

Sinabi rin ni Andanar na pinayagan nila si Uson nang magpaalam ito sa kanila noong itinalaga ng pangulo na itutuloy pa rin nito ang kontrata ng Mocha Girls gayunman hindi aniya kasama rito ang pagpe-perform sa casino.

READ  Kawalan ng aksyon ng Duterte admin sa South China Sea dispute, binatikos

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments