Ateneo, kampeon sa UAAP Season 80

     2 weeks ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

 

Kampeon para sa taong ito ng UAAP Season 80 mens basketaball championships ang Ateneo Blue Eagles matapos talunin sa do-or die Game 3 ang karibal na La Salle Green Archers.

Makapagil-hininga ang nagiong pagtutuos ng dalawa sa Smart Araneta Coliseum matapos talunin sa score na 88-86 ng Ateneo ang matagal nang karibal sa kampeonato na La Salle.

Makailang ulit na naging halos dikit ang puntos ng dalawa sa kabuuan ng laban ngunit malimit rin namang nakakahulagpos ang Ateneo.

Dumating pa ang pagkakataon na umabot sa sampu ang lamang ng Blue Eagles kontra Green Archers ngunit sa huling dalawang minuto ng laro ay nagawang dumikit muli ng La Salle.

READ  GOODBYE “WITHOLDING TAX” SA 2018 sa “WAG KANG PIKON” ni Jake Maderazo

Gayunman, mistulang naisara nang tuluyan ng Ateneo sa huling 24 na segundo ang laban nang maagwatan nito ang La Salle ng limang puntos matapos ang three-pointer ni Isaac Go.

Bagama’t nagawang makapasok pa ng three pointer ng La Salle sa huling apat na segundo ng laban, ay hindi na ito naging sapat upang mahabol pa ang 88-86 finish pabor sa Blue Eagles.

Ito na ang ika-siyam na kampeonato ng Ateneo sa kasalukuyan.

Source link

0 SHARE

Post Comments