Aung San Suu Kyi at 8 pang ASEAN leaders darating sa bansa ngayong linggo

     5 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, darating sa bansa sa Biyernes si Myanmar State Counsellor at Foreign Minister Aung San Suu Kyi.

Ito ay para dumalo sa 30 ASEAN Leaders Summit na gaganapin sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Ayon kay Ambassador Marciano Paynor, director general for operations ng SEAN 2017 National Organizing Committee, hindi kasi dadalo ang head of state ng Myanmar na si Htin Kyaw.

Hindi naman daw dapat na mabahala kung hindi dadalo si Htin Kyaw dahil naging tradisyunal na nitong hindi dumalo sa multilateral meetings.

Bukod kay Aung San Suu Kyi, kumpirmado ring darating sa bansa ang walong iba pang ASEAN leaders na sina Cambodian Prime Minister Hun Sen, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo, Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha, Malaysian Prime Minister Najib Razak, Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, Vietnamese President Tran Dai Quang at Laos President Bounnhang Vorachith.

Matapos ang official welcome ceremony ni Pangulong Duterte sa siyam na ASEAN leaders sa PICC, magkakaroon ng plenary meeting at susundan ng Leaders’ Retreat sa Coconut Palace.

Magkakaroon din ng signing of outcome documents.

Magtatapos ang ASEAN summit sa isang gala dinner sa Sofitel Hotel sa Pasay City kung saan ang Pangulong Duterte ang magsisilbing host.

Source link

0 SHARE

Post Comments