Babae patay makaraang tumalon mula sa ikalimang palapag ng mall

     2 months ago
86
Leave a Comment
9 SHARE

Patay ang isang babae matapos umanong mag-suicide nang tumalon mula sa ikalimang palapag sa harap ng wedding levery store ng Building B ng SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief Senior Superintendent Joaquin Alva, bumagsak ang hindi pa nakikilalang babae sa basement ng  naturang mall sa tapat ng SM Appliances Center.

Nakasuot aniya ng itim na tshirt ang biktima.

Sinabi ng opisyal na agad isinugod sa Pasig Medical City ang biktima ng SM security guards.

Gayunman, idineklarang siyang dead-on-arrival ni Dr. Elmerie Pineda ang bandang 3:31 ng hapon.

Samantala, sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng SM Megamall ay kanilang sinabi na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang insidente.

READ  NUJP hits blogger for ‘endangering’ fotog covering Marawi, urges authorities to protect Jes Aznar | News5

Source link

9 SHARE

Post Comments