Babae, patay sa pamamaril sa Maynila

     3 months ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang babaeng biktima na si Lolita Dela Cruz, tatlumput apat na taong gulang na residente ng Tondo.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula kay Police Officer 3 Roderick Magbale, mayroong isang saksi sa pangyayari.

Ayon umano dito, narinig niya ang mainit na pagtatalo ni Dela Cruz at isang lalaki sa lugar. Matapos nito ay bigla na lang nakarinig ang saksi ng putok ng baril.

Nang tingnan niya kung ano ang nangyari, ay nakita niyang nakahandusay at wala nang buhay si Dela Cruz na may tama ng bala sa kanyang kaliwang mata.

READ  C/Insp. Jovie Espinido hindi pa tapos ang misyon sa Ozamiz City

Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang salarin sa pamamaslang kay Dela Cruz.

Source link

4 SHARE

Post Comments