Babaeng kasama ng suspek sa Las Vegas mass shooting natagpuan na

     2 months ago
337
1 Comment
118 SHARE

Hawak na ng mga tauhan ng Las Vegas Metropolitan Police Department si Marilou Danley na sinasabing “associate” ng napatay ng suspek sa mass shooting na si Stephen Paddock.

Bagaman hindi na nagbigay pa ng ilang mga detalye, sinabi ni Las Vegas Metropolitan Police Sheriff Joseph Lambordo na kasalukuyang iniimbestigahan ang nasabing babae na nauna na nilang ikinunsidera bilang person of interest.

Si Danley ang sinasabing kasama ni Paddock na pumasok sa Mandalay Bay Casino ilang oras bago naganap ang itinuturing ngayong na mass shooting spree sa buong kasaysayan ng U.S.

Sa kanyang LinkedIn account ay sinasabing “gambling and professional” si Danley na residente sa Reno, Navada.

READ  On start of Ramadan, Palace offers ‘hand of peaceful dialogue’ to terrorists | News5

Ang 62-anyos na si Danley ay nagtrabaho rin siya bilang “hostess” sa Atlantis Casino and Resort Spa hanggang noong 2013.

Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay si U.S President Bill Clinton sa lahat ng mga nabiktima sa pamamaril.

Kaagad rin niyang inutusan ang mga concerned government agencies na alamin ang puno’t dulo ng ginawang pamamaril ni Paddock.

Source link

118 SHARE

Post Comments