Bagong DDB chair Santiago, malaki ang maitutulong sa kampanya laban sa droga ni Duterte

     4 months ago
66
Leave a Comment
0 SHARE

 

Kumpiyansa ang Malakanyang na malaki ang maibabahagi ni dating Armed Forces of the Philippines o AFP chief at ngayo’y bagong Dangerous Drugs Board o DDB chairman Dionisio Santiago sa war against drugs ng Duterte administration.

Sa isang statement, inanunsyo ng Palasyo ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Santiago bilang pinuno ng DDB.

Matatandaan na pinamunuan noon ni Santiago ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, noon pa ma’y expertise at adbokasiya na ni Santiago ang paglaban sa ilegal na droga, at naging plataporma pa niya ito noong tumakbo sa 2016 Senatorial elections.

Ani Abella, ang pagbabalik ni Santiago sa gobyerno bilang DDB chairman ay makakatulong sa naisin ng presidente na maging drug-free ang Pilipinas.

READ  Kathryn Bernardo Ginaya Nga Ba Ang Hair Style Ni Maja Salvador O Nag Kataon Lang?

Nauna nang sinibak ni Duterte si Benjamin Reyes bilang DDB chairman dahil sa ibang datos nito kaugnay sa dami ng mga adik sa droga sa bansa.

Sinabi ni Reyes noon na 1.8 million lamang ang drug addicts sa bansa, pero deklarasyon ng pangulo, nasa apat na milyon ang drug dependents.

 

Source link

0 SHARE

Post Comments