Bagyong “Odette,” bumagal at halos hindi gumalaw

     2 months ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

Halos hindi gumalaw sa kaniyang huling posisyon ang bagyon “Odette” sa loob ng nagdaang anim na oras.

Sa kabila nito ay napanatili ng bagyo ang taglay na lakas ng hangin na aabot sa 90 kilometers per hour at pagbugso na 115 kilometers per hour.

Bahagya namang bumagal ang pagkilos nito sa 10 kilometers per hour patungo sa direksyong West Northwest.

Huli itong namataan sa 280 kilometers West Northwest ng Dagupan City, Pangasinan.

Nananatili namang nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na ulang ang patuloy na mararanasan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.

READ  Duterte’s struggle and sorrow with soldier deaths and widows shows – Lawyer

Ngayong araw inaasahang tuluyang makakalabas ng bansa ang bagyong Odette.

Source link

0 SHARE

Post Comments