Bahay ng Customs broker na iniugnay sa drug lord na si Prevendido, ni-raid sa Iloilo

     3 months ago
35
Leave a Comment
0 SHARE

ILOILO CITY – Nasamsam ng mga otoridad ang maraming baril, bala, iligal na droga at maging pampasabog sa bahay ng sinasabing broker ng Bureau of Customs (BoC) sa Barangay Palaypay, Anilao, Iloilo.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga otoridad ang bahay ni Raffy Lagamon na hindi nadatnan ng raiding team sa kaniyang tahanan.

Sinabi sa Bombo Radyo Iloilo ni Punong Brgy. Jose Hero Montaño ng Palaypay, Anilao, hindi umano madalas namamalagi sa kanilang lugar si Lagamon dahil may bahay din umano ito sa Alta Tierra Village sa Jaro, Iloilo City.

Nakuha mula rito ang isang M16 rifle, isang 9mm, .22 caliber revolver, 80 live ammunition ng M16, 34 live ammunition ng 12-gauge shotgun, isang granada at 11 sachet ng shabu.

READ  Toni Gonzaga, Gusto Nang Ipahinto Ang Pagsoshowbiz Ng Kapatid Niyang Si Alex! Ano Nga Kaya Ang Dahilan!

Nahuli naman sa isinagawang raid ang caretaker ng bahay ni Lagamon na si Romil Sumayo dahil sa pag-iingat ng 9mm pistol na wala raw license to own and possess.

Si Sumayo ay dating prison guard sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Nanga, Pototan at ngayon ay bodyguard ni Iloilo Board Member Domingo Oso, Jr.

Paliwanag ni Sumayo sa panayam ng Bombo Radyo, ang kaniyang baril ay government property dahil nakuha niya ito noong prison guard pa siya ng BJMP.

Source link

Post Comments