Ban sa mga road at bridge constructions na popondohan ng barangay, magsisimula sa Oct. 13

     2 months ago
26
Leave a Comment
0 SHARE

Pansamantalang ipagbabawal ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga pagpapagawa ng mga kalsada at tulay na popondohan ng barangay.

Sa loob ng 10 araw, mula October 13 hanggang 22, hindi muna papayagan ng COMELEC ang anumang construction o maintenance projects ng mga barangay.

Ang nasabing mga petsa kasi ay bahagi ng barangay at Sangguniang Kabataan election period.

Inilabas ng COMELEC ang resolusyon nitong September 26, sa kabila ng nakabinbin pang pinal na desisyon ng Kongreso tungkol sa pagpapaliban nito na inaasahang lalagdaan agad ng pangulo oras na makarating na sa kaniya.

Ipinaliwanag ng ahensya na sa ilalim ng resolusyong ito, bawan maglabas o mag-disburse ng pondo ng bayan ang mga opisyal ng barangay para sa pagpapagawa ng mga kalsada.

READ  Matobato ikukulong sa kasong murder ayon kay Sen. Gordon

Gayunman, maari naman itong gawin sakaling tamaan ang kanilang lugar ng kalamidad.

Hindi naman masasakop ng ban ang mga nagpapatuloy pang pagkukumpuni ng kalsada na pinondohan ng barangay na nagsimula bago pa ang October 13.

Sa kabila nito, kailangan pa ring magbigay ang kapitan ng mga barangay ng listahan ng mga proyektong masasama sa exemption ng naturang ban sa mismong araw o bago ang October 13.

Source link

0 SHARE

Post Comments