Bank account ni Sen. Trillanes sa Singapore, naipasara na bago siya lumagda sa waiver ayon kay Pangulong Duterte

     3 months ago
38
Leave a Comment
0 SHARE

Naipasara na ni Senador Antonio Trillanes IV ang kanyang bank account sa Singapore bago pa man lumagda sa sa isang waiver.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ginawa ni Trillanes ang pagpapasara sa kanyang bank account sa DBS Alexandrea account sa Singapore sa pamamagitan ng online banking pasado alas 10:00 ng gabi noong September 8.

September 11 nang pumirma si Trillanes sa isang waiver para pabuksan ang bank account.

Habang September 19 nang magpunta ang senador sa Singapore kasama ang ilang kagawad ng media.

Sinabi pa ng pangulo na aabot sa 200,000 Singapore dollar ang nailipat ni Trillanes sa naipasarang bank account sa isang Fabian Go at Roberto Fong.

READ  2018 proposed budget isusumite ni Duterte sa Kongreso kasabay ng SONA

May pera rin aniyang inilipat si Trillanes sa isang John Gomez.

Ayon sa pangulo, ang naturang pera ay ginamit umano para sa destabilisasyon sa administrasyon.

Dagdag pa ng pangulo, sinadya ni Trillanes na maliliit lamang ang ginawang pagwiwithdraw sa kanyang bank account para hindi mapansin ng anti-money laundering council.

Kumpiyansa ang pangulo na solido ang kanyang ebidensya dahil gobyerno mula sa ibang bansa ang kaniyang mga nakuhang dokumento.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pangulo kung sa anong bansa nanggaling ang mga ebidensya pero tiyak aniyang galit din ang bansang ito sa mga money laundering.

 

 

 

 

 

 

READ  Abu Sayyaf eyed in maritime attack, kidnapping of 2 sailors off Basilan

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments