Bata ni-rape at pinatay sa Bataan

     2 months ago
57
Leave a Comment
0 SHARE

Natagpuang wala ng buhay ang isang siyam na taong gulang na bata sa isang bakanteng lote sa Barangay Sto. Niño, Dinalupihan, Bataan.

Ang naturang biktima ay dalawang araw ng nawawala at hinihinalang biktima rin ng rape.

Ayon kay Barangay Kagawad Jay Espinola, nakilala ang biktima na si Danica Santos.

Sinasabing may suot na sando at shorts ang biktima pero ng makita ay nakasuot na lang ito ng panty o panloob na saplot.

Hinihinalang namatay ang biktima mula sa matinding sakal dahil wala itong sugat ng matagpuan.

Base sa ulat, nawala ang biktima noong gabi ng October 1 nang ito ay utusan ng kanyang tatay na bumili ng sigarilyo.

READ  Transport strike bahagi ng 'destabilization plot' laban sa pamahalaan?

Inimbestigahan na ng PNP Crime Laboratory ang naturang krimen na hinihinalang kagagawan ng isang lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Source link

0 SHARE

Post Comments