Batas sa Barangay at SK elections postponement, pirmado na ni Duterte – Andanar

     3 months ago
39
Leave a Comment
14 SHARE

Inilabas na ng Malacañang ang kopya ng pirmadong batas kaugnay sa pagpapaliban ng halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) na nakatakda sana ngayong October 23, 2017.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang Senate Bill 1584 o bilang isang ganap na batas na Republic Act 10952.

Nakasaad sa bagong batas na “hold-over” o mananatili sa posisyon ang mga nakaupong Barangay at SK officials maging ang mga barangay officials na naitalagang ex-officio official sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlalawigan.

Nakasaad din sa batas na may kapangyarihan ang pangulo sa pamamagitan ng Executive Secretary na mag-appoint ng mga bagong opisyal sa barangay partikular sa mga opisyal na kasama sa narco-list.

READ  Calida scoffs at talk of deal with Janet Napoles

Itinakda ang halalan sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo sa 2018.

Source link

Post Comments