Bersyon ng Kamara ng 2018 nat’l budget, nasa Senado na

     3 months ago
19
Leave a Comment
5 SHARE

Nasa Senado na ang bersyon ng mababang kapulungan sa 2018 General Appropriations Bill.

Sakaling maisumite na rin ang subcommittee reports ng Senate Committee on Finance, ihahain na rin ito sa plenaryo sa susunod na Linggo ayon kay Sen. Loren Legarda.

Isasagawa ang marathon sessions upang matapos agad ang interpellation sa mga ahensya bago ang isang buwang break ng Senado na magsisimula sa October 12.

Sakaling magbalik ang sesyon ng Senado sa November 13, inaasahang maaaprubahan na sa ikalawa at ikatlong pagbasa ang panukala.

Matapos ang mga prosesong ito, tatalakayin na sa bicameral conference ang bersyon ng dalawang kapulungan para sa taunang pambansang budget.

READ  Mamahaling pasilidad, ibinigay ng isang pamilya sa AFP Medical Center

Ayon kay Legarda, tinatarget na maisumite sa pangulo ang GAB sa ikalawang linggo ng Disyembre at maisabatas bago mag-Pasko.

Magbibigay ito ng oras sa mga ahensya at kagawaran na maplano nang husto ang kanilang mga programa batay sa ibinigay na pondo.

Source link

5 SHARE

Post Comments