Beteranong director na si Emmanuel ‘Maning’ Borlaza, pumanaw na

     2 weeks ago
19
Leave a Comment
3 SHARE

Pumanaw na ang beteranong direktor na si na si Emmanuel Borlaza na mas kilala bilang Direk Maning.

Si Direk Maning ay kilala sa mga tanyag na pelikula nito noong deklada 60 hanggang 80.

Kabilang sa mga sikat na pelikula ni Direk Maning ang “Bituing Walang Ningning”, “Bukas Luluhod ang mga Tala”, “Blusang Itim” at maraming iba pa.

Si Direk Maning din ay naging direktor sa hindi bababa sa 24 na pelikulang pinagbidahan ni Vilma Santos.

Maliban sa pagiging vice chairman ng Movie and Television Rating and Classification Board (MTRCB), naging chairperson din si Borlaza ng Directors’ Guild of the Philippines, Inc. (DGPI).

READ  Duterte on Alvarez's GF: Sino bang walang kaligayahan?

Madalas ding co-host si Borlaza sa programang MTRCB Uncut sa Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media sa pagpanaw ni Direk Maning.

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments