Bilang ng nasawi sa Parojinog raid, umakyat na sa 15

     2 months ago
210
Leave a Comment
34 SHARE

 

Umakyat na sa sa labinlima ang kabuuang bilang ng nasawi sa raid na isinagawa ng mga pulis sa tahanan ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Linggo ng madaling araw.

Sa naturang raid, nasawi si Mayor Parojinog ang misis nitong si Susan, kapatid nitong si Provincial Board Member Octavio at labindalawang iba pa.

Ayon sa pinakahuling ulat mula sa Misamis Occidental Provincial Police Office, tumagal ng halos dalawang oras ang palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at grupo ng alkalde.

Dapat sana ay maghahain ng anim na search warrants ang mga otoridad sa compund ng mga Parojinog dahil sa pag-iingat ng mga baril ng mga ito ngunit nanlaban umano ang grupo ng alkalde na humantong sa encounter.

Bukod sa mga napatay, naaresto naman sa raid si Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez na nasa kustodiya ng Ozamis City police.

Ang mag-amang Parojinog ay una nang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot umano sa sindikato ng droga sa lalawigan na mariing itnanggi naman ng mga ito.

Dati na ring kinumpirma ng alkalde na nakarelasyon ng kanyang anak na si Nova Princess ang high level inmate ng Bilibid na si Herbert ‘Ampang’ Colanggo na sangkot sa kidnapping at drugs.

Source link

34 SHARE

Post Comments