Biyahe ng CebGo sa Naga, kanselado dahil sa masamang panahon

     2 months ago
10
Leave a Comment
4 SHARE

Kanselado na ang dalawang biyahe ng Cebu Pacific sa Ninoy Aquino International Airport

Sa abiso ng Manila International Airport Authority, ang flight ng CebGo na DG 6111 Manila to Naga at flight DG 6112 Naga to Manila ngayong araw ay kinansela dahil sa masamang panahon.

Inabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag ugnayan sa airline company para sa rebooking o refund ng kanilang pamasahe.

Sa abiso ng PAGASA, kabilang ang Bicol region sa nakararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ngayong araw dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na umiiral sa Luzon at Visayas.

 

 

Source link

4 SHARE

Post Comments