Biyahe ng MRT nagka-aberya; limitadong operasyon, ipinatupad

     3 months ago
21
Leave a Comment
0 SHARE

(UPDATE) Maagang nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong araw ng Lunes, September 11, 2017.

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter, isang tren nila ang nakaranas ng technical problem alas 6:17 ng umaga.

Dahil dito, itinaas sa category 3 ang status ng biyahe ng tren at pinababa ang mga pasahero sa Quezon Avenue Station southbound.

Pinasakay na lamang sa kasunod na trena ng mga apektadong pasahero.

Pagsapit ng alas 6:43 ng umaga, itinaas ang category 4 status at kinailangang magpatupad ng provisional service.

Nilimitahan ang biyahe ng mga tren mula Shaw Boulevard station hanggang Taft Station lamang at pabalik.

READ  Duterte, walang panahon makinig sa mga "misguided" na kritiko

Makalipas naman ang walong minuto, agad ding binawi ang pagpapatupad ng provisional service at naibalik sa normal ang serbisyo ng MRT.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments