Biyahe ng MRT nagka-aberya; provisional service, ipinatupad

     2 weeks ago
13
Leave a Comment
0 SHARE

Ilang minutong nagpatupad ng limitadong operasyon sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) Biyernes ng umaga.

Ayon sa abiso ng MRT, alas 8:11 ng umaga nang ipatupad ang provisional service dahil sa problema sa bahagi ng Boni station Northbound.

Itinaas ang category 4 sa status ng biyahe ng MRT at nilimitahan ang operasyon sa North Ave. station hanggang Shaw Blvd. station lamang at pabalik.

Alas 8:28 ng umaga ng maibalik sa normal ang biyahe.

Dahil sa ilang minutong aberya, marami nang pasahero ang naperwisyo at humaba ang pila sa mga istasyon ng tren.

Bago ang ipinatupad na provisional service, sinabi ng MRT na alas 7:57 ng umaga ay mayroong tren na nagkaproblema sa bahagi ng Boni station Northbound.

READ  Grupo ni Supt. Marcos inirekomenda ng PNP-IAS na parusahan

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments