Bribe money na 20M galing kay Jack Lam pinapakuha ng DOJ

     12 months ago
248
Leave a Comment
0 SHARE
Jack Lam

Binigyan ngayon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ng 24 oras na palugit si Immigration Commissioner Jaime Morente para isauli ang P20 million na umano’y bahagi P50 million na bribe o extortion money mula sa kampo ng negosyanteng at gambling operator na si Jack Lam.

Sa memorandum na may petsang December 21, 2016, ipinag-utos nito ang pag-turn-over sa naturang halaga sa Department of Justice (DoJ) o sa National Bureau of Investigation (NBI) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa isyu ng suhulan sa Bureau of Immigration na kinasasangkutan nina dating Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.

Depensa ni Aguirre, ito ay para mapreserba ang ebidensiya laban sa dalawang dating commissioners.

READ  ‘Sampal’ statement ng pangulo laban kay Callamard, kinondena ng UNHR office

Nararapat lamang umanong gumawa si Morente ng hakbang para makuha ang pera dahil may kapangyarihan siya para gawin ito.

Inatasan na rin ng justice chief na gumawa ang Immigration chief ng written report kaugnay sa kanyang pagtalima sa direktiba ni Aguirre at kailangan niya itong isumite dakong alas-5:00 ng hapon araw ng Huwebes.

Ang utos ni Aguirre na masauli ang P20 million ay kasunod na rin pag-amin ni Morente na otorisado niya si dating acting Immigration intelligence chief at retired PNP Gen. Charles Calima para magsagawa ng counter intelligence operation kina Argosino at Robles.

Post Comments