Brillante Mendoza binatikos, skin pores ng pangulo pinagpistahan ng mga netizens

     2 months ago
938
Leave a Comment
176 SHARE

“Pore shots” at “State of Duterte’s Pores”.

Ito ang itinawag ng mga netizens sa mga extreme close up shots na ginamit ng batikang indie director na si Brillante Mendoza na siya ring nagderehe ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samu’t saring mga reaksyon ang natanggap ng pag zoom- in ng direktor sa mukha ng pangulo habang nagbibigay ito ng kanyang talumpati.

May mga ilang ginawang biro ang pores ng pangulo at sinabing mas malaki pa ito sa GDP ng Pilipinas.

Mayroon ding ilan na nagsabing hindi sila makapag-focus sa pakikinig sa SONA ng pangulo dahil distracted sila sa pores at wrinkles ng pangulo.

May ilan pang mga netizen sa Twitter na sinabing tila kailangan na ni Duterte ng tulong mula sa kilalang dermatologist na si Vicky Belo.

Samantala, mayroon din namang dumipensa sa pangulo.

Ayon sa ibang Twitter users, mas importanteng pakinggan at intindihin ang laman ng talumpati ng pangulo kaysa pansinin pa ang pores at wrinkles nito.

Matatandaang si Mendoza din ang nagderehe ng unang SONA ng pangulo, kung saan binatikos naman ang ginamit niyang worm’s eyeview shots ng pangulo.

Source link

176 SHARE

Post Comments