BSP nagtalaga ng bagong Deputy Governor

     2 months ago
22
Leave a Comment
11 SHARE

May bago nang deputy governor ang Bangko Sentral ng Pilipinas na hahalili sa pwestong binakante ni dating Deputy Governor Nestor Espenilla Jr.

Si Espenilla ay magugunitang itinalaga kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong BSP Governor.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Espenilla na kanilang itinalaga bilang Deputy Governor for Supervision and Examination Sector si Chuchi Fonacier.

Sa ilalim ng Section 21, Article 3 ng New Central Bank Act ay may kapangyarihan ang BSP Governor na mag-appoint ng tatlong Deputy Governors basta’t ito’y dumaan sa pagsang-ayon ng Monetary Board.

Ang Monetary Board ang policy-setting body ng nakatutok sa mga gawain ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Source link

11 SHARE

Post Comments