Bumagsak na satisfaction rating ni Duterte, hamon pero babawi rin – Palasyo

     2 weeks ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Kumpiyansa ang Malacañang na makakabawi rin ang satisfaction at trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na survey.

Ginawa ng Malacañang kasunod ng pagbagsak ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, hindi magtatagal ay makikita rin ng publiko ang mga pagsisikap ng administrasyon para sa pagbabagong inaasasam ng taongbayan.

Ayon kay Andanar, kahit gaano kaagresibo ang oposisyon sa pagpuna kay Pangulong Duterte ay nakakuha pa rin ito ng “good” ratings at hindi tuluyang sumadsad.

Sa panig naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, inihayag nitong magsisilbing hamon para sa administrasyon para pag-ibayuhin pa ang pagbibigay serbisyo sa publiko.

READ  Sana bawiin ni Duterte ang pagtawag na pedophile - CHR Chairman Gascon

Aminado silang nakaapekto sa survey rating ng pangulo ang kobtrobersyal na pagkakapatay ng menor de edad sa anti-drug war at sa katatapos na National Day of Protest noong Martial Law anniversary.

Source link

Post Comments