Buwis sa sigarilyo, gustong padagdagan ni Sen. Pacquiao

     2 weeks ago
10
Leave a Comment
3 SHARE

 

Hiniling ni Senador Manny Pacquiao na dagdagan pa ang ipapataw na buwis sa tabako at mga sigarilyo sa bansa.

Ayon kay Sen Pacquiao, layunin nito na makakolekta ng mas malaking buwis ang gobyerno kasabay narin na mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

Sa inihain Senate Bill 1599 iginiit ni Pacquiao, nais nito na amiyendahan ang kasalukuyang sin tax law.

Sa panukala ni Pacquiao, tataasan ang kasalukuyang buwis na P30 bawat kaha at gawin itong P60 bawat kaha ng sigarilyo hindi pa kasama dito ang annual increase na kasalukuyang 4% na gagawing 9% sa panukala ni Pacquiao.

Sa kanyang pahayag ipinunto pa ng senador ang nakasaad sa bibliya ang Corinthians 3:16-17 na ang katawan ng tao ay maituturing na Gods temple at ang sinumang sisira sa tahanan ng panginoon ay kanya itong paparusahan.

READ  Medialdea, Esperon, ipinagtanggol sa joint session ang martial law declaration ni Duterte

Source link

3 SHARE

Post Comments