Calima, itinago ang nawawalang P18M upang gamiting ebidensya laban kay Jack Lam

     12 months ago
832
Leave a Comment
201 SHARE
Bureau of Immigration Intelligence division chief at retired Police General Charles Calima Jr

Itinago umano ni dating Bureau of Immigration Intelligence division chief at retired Police General Charles Calima Jr. ang P18 milyong bribe money na hinihilang galing sa Chinese gambling tycoon na si Jack Lam upang gamiting ebidensiya sa iskandalong kinasangkutan ng ahensiya.

Ayon kay Calima, magagamit umano ang naturang bribe money bilang ebidensiya laban sa reklamong plunder na inihain laban kina BI Deputy Commissioners Al Agrosino at Mike Robles na sinibak na sa kanilang pwesto.

Giit ng retired police, nakikita umano niyang kailangan nilang kumalap ng mas maraming ebidensiya kaya’t kung sakali umanong pagdugtong-dugtungin ang mga testimonya, mayroon silang matibay na kaso laban sa dalawa.

READ  Malacañang hindi natinag sa banta ng Human Rights Watch

Nabatid na itinago ni Calima ang P18 milyon sa loob ng 20 araw bago niya ito iturn-over sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Huwebes.

Kabilang umano ang naturang bribe money sa P50 milyong kinikil nina Argosino at Robles kay Lam para palayain ang mga undocumented Chinese nationals na nagtatrabaho sa online casino business ng tycoon sa Clark, Pampanga.

Source

Post Comments