Callamard gusto ng press conference kasama si Pres. Duterte

     1 year ago
400
Leave a Comment
101 SHARE

Minungkahi ni UN rapporteur Agnes Callamard kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maari niyang ihayag ang kanyang analysis, reply, at rebuttal sa isang press conference.

Ito ay matapos niyang tanggihan ang kundishon ng Presidente na sila’y magkakaroon ng isang debate bago niya mailabas ang kanyang report ukol sa human rights violations sa bansa.

Ikalulugod ni Callamard ang ganitong pamamaraan upang maihayag niya ang kanyang preliminary findings sa publiko at para makapagbigay ng agarang reaksyon ang Pangulo ukol dito.

Nais pagaralan ng UN Rapporteur ang mga nangyayaring extrajudicial killings sa Pilipinas na may kinalaman sa war on drugs ni Duterte na sa ngayon ay nakapagtala na ng 6,100 patay simula noong July 1.

READ  MalacaƱang: Hindi ini-snob ni Duterte si Kris Aquino

Samantala, naninindigan si Callamard na confidential ang iilang bahagi ng kanyang report alinsunod sa due process, at pagpapanatili ng mga prinsipyo ng fair trial at presumption of innocence.

Post Comments