Cancellation ng Concert ni James Taylor sinisi kay Duterte

     12 months ago
328
2 Comments
1.5k SHARE
James Taylor

Hati ang reaksyon ng mga Pinoy fans ng five-time Grammy award winner na si James Taylor kasunod ng pagkansela nito sa nakatakda sanang concert sa bansa sa Pebrero 2017.

Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto, inalmahan niya ang pahayag ng Grammy awardee at international music icon sa isyu ng extra judicial killings sa Pilipinas.

Kabilang nga sa idinahilan ni Taylor ay malala raw ang mga kaso ng pagpatay sa mga suspected drug personalities, kahit walang due process.

Ayon kay Sotto, hindi nauunawaan ng hit maker ang batas at sistema sa Pilipinas, maging ang lawak ng problema natin sa droga kaya nasasabi nito ang mga ganung batikos.

READ  Social media is better than mainstream media, says netizen

Paniwala ng Senate official, nagbatay si Taylor sa sari-saring impormasyon na nabasa at narinig lamang nito, ngunit hindi lubos na napag-isipan.

Sa iba’t ibang social media, usap-usapan naman na nilalangaw ang bentahan ng concert tickets kaya nag-backout si Taylor, bagay na itinanggi ng Ovation Productions.

Karamihan naman ay nanghinayang dahil excited pa naman daw na personal silang haranahin ng “You’ve Got A Friend” hitmaker.

Sinasabing naging tapat lang daw ang 68-year-old singer/songwriter sa kanyang political stand kaugnay sa mga drug-related killings sa Pilipinas.

Read the continuation at the next page

READ  Family grieves loss of Emmanuel Lorica to war on drugs

Post Comments