Capiz gov sa lifestyle check ni Duterte: ‘Di ako takot bumaba sa pwesto’

     2 weeks ago
21
Leave a Comment
2 SHARE

ROXAS CITY – Tiniyak ni Capiz Gov. Antonio del Rosario na nakahanda siyang bumaba sa pwesto.

Ito ay kasunod ng pagpapa-lifestyle check sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y pagkakasangkot sa iligal na aktibidad at mga kwestyunableng yaman.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa gobernador, inihayag nito na hindi siya mag-aatubiling bumaba sa pwesto kapag may sapat na ebidensya na makapagpapatunay sa mga akusasyon laban sa kanya.

Kasabay nito, tiniyak Din ng gobernador na may pinanghahawakan siyang mga dokumento na makapagpatunay na legal ang pinagmulan ng kanilang yaman at walang korapsiyon sa ilalim ng kanyang pamamahala.

Ipinagtanggol din ng gobernador ang pagtalaga niya sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

READ  Pahayag ni Duterte na AFP magdesisyon kung magkagulo, ‘strong message’ – Palasyo

Aniya, responsableng empleyado naman ang mga ito at malaki ang kanilang naitulong upang mapabuti pa ang mga programa para sa lalawigan ng Capiz.

Hindi naman naiwasan ng gobernador na ihayag na pansariling interes lang ang motibo nang naghain ng reklamo laban sa kanya.

Source link

Post Comments