‘Carl Arnaiz binaril ng pulis na nakaluhod; mga pulis may inilagay pa sa kamay?’

     3 weeks ago
25
Leave a Comment
4 SHARE

Ilang testigo ang sumalang ngayong araw sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs para idiin ang mga pulis sa Caloocan sa kaso ng pagpatay kay Carl Arnaiz.

Kabilang na rito ang taxi driver na si Tomas Bagcal at ang bagong testigo na si Joe Daniel.

Sa salaysay ni Daniel, “actual” daw niyang nakita nang patayin si Carl ng mga tauhan ng Caloocan City police.

Nakaluhod pa nga raw ang biktima at nakataas ang kamay nang paputukan.

May inilagay pa raw sa kamay ni Arnaiz, bagay na hindi na nito nabatid kung ano iyon.

Partikular na itinuro nito sina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.

READ  Panoorin ang mainit na away at sagutan nila Gordon vs De Lima sa EJK Hearing

Pero nang hingan ng tugon sina Perez at Arquilita, tumanggi na silang magbigay ng pahayag dahil nakasampa na sa korte ang kanilang mga kaso.

Sinabi naman ng umano’y hinoldap ni Carl na si Bagcal na buhay ang binatilyo nang i-turn over niya.

Pero nakita raw niyang sumenyas ang mga pulis na papatayin ang biktima sa pamamagitan ng tila paggilit sa leeg na karaniwang simbolo ng pagpaslang.

Sa salaysay naman ng ina ni Carl na si Eva Arnaiz, hindi siya naniniwalang nangholdap ang kaniyang anak dahil binigyan pa lang daw niya ito ng P17,000 bago ito napatay.

Source link

Post Comments