Carl Arnaiz, buhay pa nang dalhin sa presinto ayon sa taxi driver

     3 months ago
15
Leave a Comment
0 SHARE

Kinumpirma ng taxi driver na si Tomas Bagcal na ang binatilyong si Carl Angelo Arnaiz ang nangholdap sa kanya noong gabi ng August 18.

Sa isang press conference, sinabi ni Bagcal na bago niya dalhin sa presinto si Carl ay binugbog pa ito ng mga tambay dahil sa panghoholdap na ginawa.

Sinabi din ni Bagcal na buhay pa si Carl nang dalhin niya sa Police Community Precinct (PCP) 2 ng Caloocan City Police Station, kung kaya nagtataka siya bakit sa mga ulat ay patay na ang nangholdap sa kanya.

Ipinagtaka din niya aniya kung bakit pinasunod sila ng mga pulis sa C3 Road.

READ  CJ Sereno, posibleng maharap sa impeachment dahil sa CA, Ilocos Six issue-Alvarez

Sinabi din ni Bagcal na nakita pa niyang naglakad si Arnaiz bago umano ito binaril ng mga pulis.

Inamin din niyang “staged” o set-up ang pagdala sa kanila ni Arnaiz sa C3 Road.

Matatandaang sa C3 Road natagpuan ang katawan ni Carl na wala nang buhay.

Itinanggi din ni Bagcal na nagsumite siya ng isang affidavit ukol sa umano’y panghoholdap na sangkot ang binatilyo.

Bukod dito, sinabihan din siya ng mga pulis sa PCP 2 na idawit niya ang isang 14 anyos sa naturang kaso ng panghoholdap.

Pero tumanggi si Bagcal na sabihin kung si Reynaldo de Guzman ang kanyang tinutukoy na huling nakitang kasama ni Arnaiz bago ito mamatay.

READ  PNP chief looking for Espenido’s replacement in Ozamiz City

Si De Guzman ay natagpuang patay noong nakaraang linggo sa Nueva Ecija kung saan aabot sa tatlumpung saksak ang natamo ng kanyang katawan.

Humarap si Bagcal sa media isang araw matapos ianunsiyo ng grupong Rise Up for Life and for Rights na nasa kustodiya na nila ang taxi driver.

Source link

0 SHARE

Post Comments