Cebu Pacific flight sa Iloilo, nag-emergency evacuation

     2 months ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Kinailangang magsagawa ng emergency evacuation ang flight 5J 461 ng Cebu Pacific na biyaheng Manila to Iloilo, Biyernes ng gabi.

Ayon sa inilabas na advisory ng Cebu Pacific, nasangkot sa insidente ang nasabing flight paglapag nito sa Iloilo International Airport.

Ayon kay Charo Logarta Lagamon ng Cebu Pacific, may sakay na 180 pasahero ang nasabing eroplano pero tiniyak niyang ligtas naman ang kalagayan ng mga ito

“The crew initiated emergency evacuation. All passengers are accounted for and are safe. They are being attended to by airport personnel,” ayon sa advisory.

Gayunman, bine-beripika pa aniya nila kung anong partikular na insidente ang naganap para magsagawa sila ng emergency evacuation.

READ  Hanging amihan, papasok na ng bansa

Tiniyak din niyang magbibigay sila ng update oras na makakuha sila ng iba pang impormasyon tungkol sa insidente.

Source link

3 SHARE

Post Comments