Central Mexico niyanig ng magnitude 7.1 na lindol

     3 months ago
29
Leave a Comment
0 SHARE

Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang central Mexico.

Ayon sa US Geological Survey naramdaman ang epicenter nito sa may 4.5 kilometers east-northeast ng San Juan Raboso at 55 km. ng south-southwest ng lungsod ng Puebla.

May lalim ang nasabing lindol ng 51 kms. at naramdamin din ito sa sentro ng Mexico City.

Sinabi ni Puebla governor Tony Gail na walang naiulat na nasirang gusali at agad na pinakalat ang kanilang mga rescue team.

Pinayuhan din nito ang mga residente na sundin ang civil protection security protocols.

Agad naman nagpatawag ng pulong si Mexican President Enrique Pena Nieto para ma-evaluate ang nasabing sitwasyon.

READ  Diskusyon sa ASEAN Summit sumentro sa terorismo - Duterte

Ang nasabing lindol ay naganap kasabay ng 32 taon anibersaryo ng magnitude 8 na lindol noong 1985 kung saan 9,500 katao ang namatay at halos isang linggo ng maganap ang 8.1 magnitude na lindol na tumama sa southern coast ng bansa na ikinasawi ng 61 tao.

Source link

Post Comments