Cesar Montano break muna sa showbiz; Focus muna bilang COO ng DoT

     10 months ago
419
Leave a Comment
125 SHARE

Pansamanatalang maglea-leave muna sa showbiz industry ang aktor na si Cesar Montano kasunod ng pagkakatalaga sa kanya bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board (TPB).

Nakangiting pahayag ito ni Buboy na sinabing excited na siya sa panibagong mga pagsubok na kanyang kakaharapin sa naturang goverment post.

Pag-amin ni Cesar na prayoridad niya ang responsibilidad na inatang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte para a naturang trabaho.

Nito lamang nagdaang araw ng Martes ng pormal ng manumpa ang 54-year-old actor bilang COO ng TBP.

Ang TPB ay isang attached agency ng Department of Tourism (DoT) kung saan tungkulin niya ang i-promote ang Pilipinas sa ibang mga bansa kabilang na pagtulong sa paghahanda sa Miss Universe beauty pageant na gaganapin sa bansa.

READ  Drilon claims death penalty won’t push through, Sotto says to him “dream on”

Bagamat pass muna sa mga showbiz commitments ay nangako pa rin si Montano na patuloy niyang susuportahan ang industriya ng showbiz na naging malaking bahagi ng kanyang buhay.

Post Comments