Chief Justice Sereno, naghain na ng reply sa impeachment complaint

     3 months ago
40
Leave a Comment
3 SHARE

Nagsumite na ng kanyang reply sa impeachment complaint si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kamara.

Nagtungo sa House of Representatives ang isa sa mga abogado ni Sereno na si Atty. Justin Mendoza para ihain sa tanggapan ng House justice committee ang sagot ng punong mahistrado sa mga alegasyong ibinabato sa kanya na nakapaloob sa impeachment complaint ni Atty. Lary Gadon.

Nabatid na ngayong araw ang deadline na unang ibinigay kay Sereno para sa paghahain nito ng naturang reply, na may kabuuang 85 pahina, bukod pa sa 15 annexes.

Ang reply na ito ng punong mahistrado ay isasama sa mga gagamiting batayan sa pagtukoy ng komite kung may probable cause ang impeachment complaint laban dito.

READ  Duterte: Lahat ng konektado, legal fronts ng NPA, aarestuhin

The post Chief Justice Sereno, naghain na ng reply sa impeachment complaint appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments