CIDG may resulta na sa imbetigasyon kaugnay sa Bilibid riot

     12 months ago
3970
Leave a Comment
920 SHARE

Nakakuha na ng kopya ng video footage ang CIDG sa loob ng nasabing piitan kung saan namatay ang convicted drug lord na si Tony Co at ikinasugat naman ng ng iba pang high-profile inmates na sila Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy at dating police Chief Inspector Clarence Donggail.

Unti-unting nang nabubuo ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tunay na naging ugat ng nangyaring di umano’y riot sa Building 14 ng New Bilibid Prison noong Miyerkules.

Ayon kay CIDG Director Chief Supt. Roel Obosan, hindi naatasan ang Bureau of Corrections upang pangunahan ang nasabing imbestigasyon upang maiwasan ang pagdududa sa kalalabasan ng imbestigasyon.

Sa ngayon, tutok ang imbestigasyon sa mga umano’y umatake sa mga biktima sa Building 14 riot matapos makakuha ng mga testimonya at pahayag mula sa mga high-profile inmate, maging sa mga nakasaksi dito.

Samantala, hindi na isiniwalat ng CIDG Chief kung ilan ang mga umatake sa nasabing riot hangga’t hindi pa pinal ang imbestigayson ukol dito.

Naipakita na din ng CIDG sa SOCO ang physical evidence na kanilang nakalap sa nasabing stabbing incident.

Gayunman, hindi naman nagsabi ng takdang araw ang CIDG Chief kung kailangan matatapos ang buong imbestigasyon ngunit nais aniyang matapos ito sa madaling panahon.

Source: http://radyo.inquirer.net/44262/44262

Post Comments