Comelec chair Bautista nalungkot sa pagpatuloy ng impeachment sa kaniya

     2 months ago
18
Leave a Comment
4 SHARE

Ikinalungkot ni Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista ang desisyon ng House Committee on Justice na ituloy ang impeachment sa kaniya.

Sinabi nito na nirerespeto niya ang naging opinyon ng mga mambabatas na baligtarin ang naunang naibasurang impeachment complaint sa kaniya.

Dagdag pa nito na magiging walang kuwenta na lamang ang reklamo sa kaniya dahil natanggap na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang resignation letter na epektibo sa katapusan ng taong ito.

Tiniyak naman nito na dadalo siya sa impeachment proceedings kapag ito ay nagsimula na.

Nauna rito depensa ng mga mambabatas na kaya nila binuhay ang impeachment kay Bautista ay para matiyak na hindi sila malinlang ng Comelec chair dahil baka bigla daw bawiin ang kaniyang isinumiteng resignation.

READ  Pagtutol ng mga Pinoy sa martial law tama lang ayon kay Duterte

The post Comelec chair Bautista nalungkot sa pagpatuloy ng impeachment sa kaniya appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments