Comelec Chairman Bautista, impeached na sa Kamara

     2 weeks ago
17
Leave a Comment
2 SHARE

Impeached na sa mababang kapulungan ng Kongreso si Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ito ay matapos na ma-override ang report ng House justice committee na nagbasura sa impeachment complaint laban sa poll chief.

Sa naganap na botohan, 75 na mga kongresista ang bumuto ng “yes” para sa dismissal, habang 137 naman para sa impeachment ni Bautista.

Matatandaan na sa botong 26-2, idineklara ng mga miyembro ng nasabing komite na insufficient ang porma ng reklamong impeachment nina dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras at Atty. Ferdinand Topacio.

Dalawa ang grounds sa complaint na ito, partikular na ang betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution.

READ  Isang Pulubi Na Nangisda Upang Magkalaman Ang Sikmura, Nakakita Ng Isang Bagay Sa Ilalim Ng Dapat Na Bumago Ng Buong Buhay Niya

Kaugnay nito, gagawa na ang kapulungan ng articles of impeachment.

Ang dokumentong ito ang siyang ipapadala sa Senado, na tatayo bilang Impeachment Court.

Source link

Post Comments