Cong. Arroyo, bilib sa panunungkulan ni Pang. Duterte

     5 months ago
42
Leave a Comment
24 SHARE

Sinaluduhan ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mapangahas na reporma na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa korupsyon at sa ilegal na droga.

Ayon kay Arroyo, kahanga-hanga ang mga programa ni Duterte.

Bumilib din si Arroyo sa Build! Build! Build! Program ni Duterte na naglalayong pagandahin ang imprastraktura sa bansa.

Kasabay ng pagpasok ng ikalawang taon sa panunungkulan ni Duterte, sinabi ni Arroyo na wala siyang ibang hinahangad kundi ang magandang lagay ng kalusugan ng pangulo para magampanan pa nito ang kanyang tungkulin.

Hindi maikakaila, ayon kay Arroyo, na naging inspirasyon ng maraming Pilipino si Duterte lalo’t itinaguyod nito ang pagkakaisa ng taong bayan.

READ  Bam Aquino: SUCs, walang kokolektahing tuition ngayong 2nd semester

Source link

24 SHARE

Post Comments